Una sa Balita

Duremdes sa mga player: Magsampa kayo ng reklamo!

0 481

HINIKAYAT ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes na pormal na magsampa ng reklamo ang mga manlalarong apektado sa kontrobersyal na isyu ng ilang koponan sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

“Most of the time, it’s all text, verbal. Kaya sinasabi namin, you have to go to our office and file a complaint,” pahayag ni former PBA player sa isang panayam.

Sa mga nakarating na report kay Duremdes, nagkaroon umano ng ‘mismanagement’ sa mga player ng Bicol Volcanoes at Bataan Risers kaya hindi natatanggap ng mga manlalaro ang tamang sweldo nila.

“So actually both ang may problema. Iyan ang tinitignan natin ngayon,” ani Duremdes.

“May mga cases na tayong inayos at awa ng Diyos naayos natin. Talagang minsan both parties may problema, hindi siya one way,” sambit pa nito sa panayam ng ABS-CBN.

Nauna rito’y hindi na naitago ni Bicol guard Alwin Anday ang galit at labis nitong hinanakit sa kanyang team owner matapos nitong ipahayag sa social media ang kanyang himutok.

“Mr Gil Orense, kayo po ang may utang sa amin, hindi lang sa amin sa buong team at sa buong Bicol na pinaniniwala mo na ikaw ang tama. Wala na sir huling-huli ka na, huwag ka na magpaawa. Nag-post ka kasi wala ka na mapuntahan at kumukuha ka ng sympathy. Baka pag nalaman nila how much utang mo magulat sila. Lahat kami inunfriend mo. Para ano? Para di mo na kami mabayadan. Basta kami pinapangako namin. Lalaro kami 100% para sa Bicol, kahit di mo nagampanan ang pagiging owner mo. Salamat pa din po sa lahat ng sumusuporta. At sa new management na tutulong samin, ngayon pa lang po nagpapasalamat na po kami. Bicol volcanoes 3.0,” pahayag ni Alwin Alday sa kanyang Instagram account.

Tiniyak naman ni Commissioner Duremdes na naayos na ang problema hinggil dito.

“‘Yung Alwyn Alday ang problema du’n owners. ‘Yun ang sinasabi namin, may problema sa co-owner. Through Facebook lang namin nakikita pero na-fix na namin ang problema ng Bicol, they’re OK now,” panapos ni Duremdes. (Aivan U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy