Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duremdes: Lakan Cup madaling matatapos

0 202

APAT na team na lang ang naglalaro sa naudlot na MPBL Lakan Cup kaya mas madali itong iorganisa sa isang bubble.

Ayon kay MPBL commissioner Kenneth Duremdes, pagkatapos ng do-or-die game ay dalawang team na lang ang malalabi kaya madali lang matapos ang nasabing liga.

“Hindi mahirap i-handle ang bubble,” saad ni Duremdes. “After the two do-or-die games which can be played in one day, we’ll be down to just two teams. Within a week, tapos na tayo.”

Ang inaalala lang ni Durumdes ay ang kondisyon ng mga player na maglalaro dahil matagal na natengga ang liga sapol nang ihinto dahil sa coronavirus (COVID-19).

“Hindi natin alam ang kondisyon nila, for sure, hindi sila game shape, ” ani Duremdes.

Naniniwala ang dating PBA star na kapag inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force ay magkakaroon ng pagkakataon ang kanilang player na magpakondisyon.

May dalawang linggo na ang nakalipas nang mag-apela ang MPBL sa IATF na payagan nang magsimula ang naunsyaming Lakan Cup.

Lima hanggang pitong laro bago matapos ang liga. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.