Una sa Balita

Durant, Warriors lusot sa mapisikal na Utah

By
0 1,755

Kumarga ng 21 puntos si Kevin ­Durant para pangunahan ang anim na iba pang ­double-figure scorers sa defending NBA champion Golden State at binatak ng Warriors ang ikatlong kanto diretso sa pag-utas sa Utah, 126-101, Miyerkoles ng gabi.

Pumitik ang Warriors ng 33-of-46 shots sa ikalawang bahagi, na-outscore ang Jazz, 42-22, sa third quarter at ilatag ang dikdikang laro kung saan si ­Durant na kumalawit ng 6 rebounds, apat na assists at tatlong tapal ay hindi na pinaglaro sa huling yugto.

“Utah played really physical and they played defense like we hadn’t seen before,” wika ni Durant.

“We knew in the se­cond half they would tire out because they were moving around a lot so we stayed with our offense and in the third quarter we started pulling away.”

Hatag si Pat ­McCaw ng season-high 18 points buhat sa bench habang si Klay Thompson at Nick Young ay may tig-15 puntos para sa Warriors, na sinarili ang NBA best record, 28-7.

Iskor ng 26 si Rodney Hood buhat sa bench para pamunuan ang Utah.

Sa iba pang aksiyon, kumalas si Vince Carter ng Sacramento buhat sa bench para ikamada ang 24 points at ang kareserbang si Willie Cauley-Stein ay may dagdag na 17 points at siyam na rebounds para idiskaril ng host Kings ang Cleveland Cavaliers, 109-95.

Sumalansan si Le­Bron James ng triple double sa kanilang pagkatalo, 16 points, 14 assists at 10 rebounds, habang si Kevin Love ay may team-high 23 points kung saan kada Cavalier na sumalang ay nakaiskor.