Una sa Balita

Durant super anghang, Curry kinalawang Warriors 3-0!

By
0 903

HINDI pumapasok ang mga tira ni Stephen Curry, pero may Kevin Durant pa ang Golden State.

Umiskor si Durant ng career playoff-high 43 points pandiin ang malayong 3-pointer sa final minute, at ibinaon ng Warriors si LeBron James at ang Cleveland Cavaliers, 110-102, sa Game 3 ng NBA Finals nitong Miyerkoles.

Nakaamba na ang sweep ng Golden State, puwede nilang tapusin ang serye sa Game 4 Biyernes ng gabi (Sabado sa Manila) sa Cleveland pa rin. Apat na tsansa sa Warriors para hablutin ang pangatlong kampeonato sa apat na taon.

Baon na baon na ang Cavs. Ang mga team na naiwan sa 3-0 ay 0-131 sa playoffs.

Abante ang Warriors 103-100, pinahaginit ni KD ang 33-footer sa halos parehong spot na pinagbaunan niya rin ng isa sa Game 3 noong isang taon. Walang imik si Durant pagkatapos, nakatayo lang. Maya-maya ay nilapitan at sinigawan nina Curry at Draymond Green.

Naglakad ang tatlo patungo sa Golden State bench. Nagtatalunan at nagyayakapan na ang Warriors, cool na cool pa rin si Durant.

“I don’t want to downplay anything, but I don’t want to act like this is the end of the road,” giit ni Durant. “So just get back to work tomorrow and figure out a better game plan.”

Mukhang hindi na naman makakatulog si LeBron.

“Tonight will be tough,” ani James, umiskor ng 33 at ­natapilok pa sa first half. “Tomorrow I’ll replay some plays and some moments and things of that nature. When I wake up Friday ­morning I’ll be locked in on the game plan of what needs to be done to help our team win.”