Una sa Balita

Durant sa pool muna sumusyut

0 341

ILANG linggo matapos operahan ang ruptured Achilles tendon, nagsimula nang gumalaw-galaw si Kevin Durant.

Sa Instagram, nagbigay ng update ang bagong Brooklyn Nets forward hinggil sa kanyang rehabilitasyon ng injury na nakuha sa Game 5 ng NBA Finals habang nasa Golden State pa.

Walang masyadong detalye, photos lang ang ipinakita ni KD.

May kasama siya, nasa isang backyard sila.

May slideshow pa na nag­lalakad-lakad si Durant, naka-crutches at sakay ng knee scooter.

Hindi nawala ang bola, dahil sa isang photo ay bumibitaw ng tira habang nasa pool.

Inaasahan nang hindi makakalaro si Durant sa kabuuan ng susunod na season dahil sa injury.

Pero magandang senyales na naumpisahan na niya ang rehab, kita ang seryoso niyang pagpapagaling. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy