Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Durant, Nets sinisiw Bucks

0 109

WALANG James Harden, muli ay nag-take charge sina Kevin Durant at Kyrie Irving at winasiwas ng Brooklyn ang Milwaukee 125-86 tungo sa 2-0 lead sa kanilang Eastern Conference semifinal series Lunes ng gabi.

Naka-33 minutes lang si Durant, maagang pinahinga matapos magsalansan ng 32 points at 6 assists.

Sumegunda ng 22 points, 5 rebounds at 6 assists si Irving.

Humugot ang Nets ng 13 points, 6 rebounds at 4 assists kay Bruce Brown na pinag-start ni coach Steve Nash kahalili ni Harden na day-to-day pa sa hamstring injury.

Umabante ng hanggang 49 ang Brooklyn, bibitbitin ang momentum sa pagdayo ng Game 3 sa Milwaukee sa Biyernes (araw sa Manila).

“For the most part we just did what we were supposed to do, win two at home and we’ve got to see if this game is going to travel on the road for us and we’ve got to stay locked in,” ani Durant.

Maagang isinuko ng Bucks ang bakbakan, matapos ang 31 minutes lang sa loob ay nilabas na si Giannis Antetokoumpo na may 18 points, 11 rebounds. Hindi siya nakaporma kay Durant.

Sa labas ng arc, 21 for 42 ang Brooklyn kumpara sa 8 for 27 ng Milwaukee.

Sinara ng Nets ang first quarter sa 23-9 run tungo sa 36-19 lead, pinabuka sa 95-65 pagkatapos ng three. Hindi na nakarekober ang Bucks. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.