Una sa Balita

Durant mabilis ang rehabilitasyon

0 276

MUKHANG maganda ang takbo ng rehabilitasyon ni Kevin Durant.

Tatlong buwan matapos operahan para ayusin ang torn Achilles tendon, kita ang progreso ng pagpapagaling ni KD.

Nakita si Durant habang paakyat sa isang van sa New York City noong Huwebes.

Hindi siya kakikitaan ng senyales ng trauma mula sa season-ending Achilles tear na inabot sa Game 5 ng 2019 NBA Finals habang nasa Golden State pa siya at katapat ang Toronto.

Ang umakyat, sumampa sa isang van na walang alalay o tungkod ay malaking bagay na.

Mula Warriors, lumipat ng Brooklyn si Durant noong July at pumirma sa Nets.

Kamakailan ay nakita rin ang 20-anyos na two-time Finals MVP nakasuot ng Nets uniform sa unang pagkakataon.

Inaasahan nang hindi pa makakalaro si KD sa kabuuan ng 2019-20 season habang nagpapagaling.

Ang mgandang balita sa Nets at sa fans nila ay mukhang maayos ang rehabilitasyon. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy