Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Durant, Irving plastikan lang

0 63

KAPAG tinatanong sina Kevin Durant at Kyrie Irving ng mga reporter, puro papuri sa isa’t isa ang kanilang sinasabi.

Karamihan sa mga sagot nila ay kailangan nila ang bawat isa para maitaguyod sa tagumpay ang koponan.

Subalit ayon kay Nick Friedell ng ESPN sa SportsCenter, nagpa-plastikan lamang sina Durant at Irving, hindi umano ganoon kalapit ang kanilang pagkakaibigan.

“At every turn publicly, [Kevin Durant] has been there to support [Kyrie Irving], to say we need Kyrie, to say Kyrie can win a title with me here in Brooklyn. But I can tell you, I’ve been talking to people in the organization the last couple of weeks, when they finally sit down and talk to Kevin throughout the summer, they are trying to figure out if Kevin saw what everybody else saw,” kuwento ni Friedell.

Maugong na makakasungkit ng NBA championship ang Brooklyn Nets nang magsama sina Durant at Irving subalit nabigo sila na makalaro sa Finals.

Ito’y marahil sa kulang ang kopinan ng communication o teamwork sa loob ng basketball court.

“I’ve been told that relationship, while very close, isn’t always as close as it appears to be,” dagdag ni Friedell. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.