Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Durant dehins inggit sa GSW

0 117

SA isang panayam kay two-time NBA champion Kevin Durant, sinabi nitong hindi siya naiinggit sa natamong panibagong korona ang Golden State Warriors.

Inamin ng pambato ng Brooklyn Nets sa interview ni Eddie Gonzales ng “The ETCs” na natutuwa siyang pinanonood ang kanyaang dating teammates na sina Steph Curry, Klay Thompson at Draymond Green.

“I enjoyed watching Steph Curry’s iconic Game 4 performance against the Celtics.” saad ni Durant.

Sa kasagsagan ng bakbakan sa NBA Finals sa pagitan ng Warriors t Celtics, naging tahimik si Durant sa social media kaya napaghinalaan itong naiinggit sa kanyang dating teammates.

“I’m always going to hold it high regard, no matter how you try to put my old teammates against me, try to lie on my name and say I’m jealous and envious of these dudes. Like, come on man, it’s childish.” ani Durant. “And to see them finish it and continue it, yeah, you have a sense of pride to be part of it.”

Nakapaglaro sa NBA finals si Durant noong nasa Oklahoma City Thunder pa ito, nabigo siya kontra Miami Heat, mula noon ay hiindi na siya nakalaro sa championship kaya noong 2016 ay nagdesisyon itong sumanib sa super team na GSW.

At sa tulong nina Curry, Thompson at Green ay nasungkit nito ang unang kampeonato noong 2017 at nasundan pa sa sumunod na NBA season (2018). (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.