Una sa Balita

Durant, Cousins upo lang sa West Finals

0 365

POSIBLENG hindi maglaro sina Kevi­n Durant at DeMarcus Cousins sa kampanya ng Golden State Warriors sa Western Conference finals kontra Portland Trail Blazers.

Siklab ang best-of-seven series ngayong Miyerkoles (araw sa Manila) sa Oracle Arena.

‘At least’ first two games ng series tengga si Durant. Pagkatapos ng praktis kahapon, sinabi ni coach Steve Kerr na ia-update ang status ni Durant sa Huwebes pagkatapos i-re-evaluate ang kanyang calf injury.

Third quarter ng Game 5 kontra Rockets noong Miyerkoles inabot ng injury si Durant, two-time reigning NBA Finals MVP at postseason leader sa scoring.

Hindi na siya sumama sa Houston sa Game 6 clincher ng Warriors. Pinalitan siya ni Andrew Bogut sa starting lineup.

Naunang inabot ng torn left quadriceps si Cousins sa Game 2 ng first round laban sa Clippers, pangalawa lang niyang playoff game. Nakakatakbo na siya, nagsu-shooting na rin nitong nagdaang linggo pero wala pang scrimmage.

Hindi pa rin gumagaling ang dislocated middle finger ni Warriors two-time MVP Stephen Curry. Sa kaliwang kamay ang injury, hindi ang kanyang shooting hand. Naka-tape pa rin ang daliri sa praktis kahapon.

“Definitely better. We’ll see tomorrow, just in terms of you can’t simulate contact and intensity and all that type of stuff,” ani Curry. “Definitely better than it felt on Friday.” (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy