Una sa Balita

Durant, Cousins bayani ng Warriors kontra Heat

By
0 439

IBINAON ni Kevin Durant ang game-tying 3, bago isinalpak ni DeMarcus Cousins ang game-winning free throws at naligtasan ng Golden State Warriors ang Mia­mi Heat 120-118.

Malamig na nag-umpisa ang Warriors Linggo ng gabi, naiwan pa ng hanggang 19 sa first half bago nag-rally sa second half para kumpletuhin ang 11th double-digit comeback ng season.

“We started off sluggish,” pag-amin ni Durant, tumapos ng 39 points. “They made shots, theyNwere excited to play against us. We treated it like it was a Sunday walk in the park.”

Umiskor ng 11 sunod­ si Durant sa stretch bago sumablay sa late 3-pointer. Dinamba ni Cousins ang rebound at nakabingwit ng foul sa put-back attempt 5.4 seconds na lang.

Biyernes ng gabi ay nag-rally din ang Warriors mula 17 down sa first quarter kontra Phoenix.

Dismayado ang Heat dahil nag-double-dribble daw si Durant nang mabitawan ang bola, dinampot at nag-dribble muli bago pinakawalan ang huling 3-point attempt. Pumabor din sa Golden State ang free throws 28-8.

“Those are tough calls to make, but everybody saw it. It’s right there in front of everybody,” lahad ni Fil-Am Heat coach Erik Spoelstra.

Nalamangan ng walo sa fourth quarter ang Miami pero itinabla sa 3 ni Justise Winslow. Nakakuha ng back-to-back steals sina Josh Richardson at Dwyane Wade na parehong tinapos sa layups at abante ang Heat 118-115, 51.5.
Ibinuhol ng 3 ni Durant at isinalpak ni Cou­sins ang big shots matapos sumablay sa long range ang magkabila.
Tumikada si Klay Thompson ng 29 points, may 25 si Stephen Curry sa Warriors.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy