Una sa Balita

Durant alas ng Warriors vs Cavs

By
0 447

Binida ni Kevin Durant ang 25 puntos, humatag si Klay Thompson ng 24 at parehong hinamig ang krusyal na istratehiya sa mga huling segundo, Lunes ng gabi, para ilaglag ng NBA champion Golden State Warriors ang karibal na Cleveland Cavaliers, 99-92.

Sa Christmas rematch sa NBA Finals na nagmarka sa kanilang ikatlong magkasunod na salpukan sa holiday, naisalta ng host Warriors ang ika-12 beses na panalo sa 13 games at iposte ang 27-7 habang dausdos ang Cavaliers sa 24-10.

Hinablot ng Golden State ang 90-81 u­ngos, ang pinakamalaki para sa gabi ng Warriors bago sinagutan ng Cavaliers ng 11-2 run, at maitabla mula sa 92-92 sa layup ni LeBron James, may dalawang minuto ang nalalabi.

Tumarak si Thompson ng 3-pointer para umangat ang Golden State at ang pag-pressure sa depensa ni Durant ang nagpakawala ng bola sa posisyon ni James.

“He wants to guard him,” ani coach Steve Kerr, sa kagustuhan ni Durant na depensahan si James. “It just so happens that KD is the right matchup for us and he wants the job.”

Balik ang bola sa Cavaliers tapos na magmintis ang dala­wang 3-point shot ng Warriors.

Drive sa basket si James na parang dapat na-foul pero walang whistle na narinig at ang bola’y kumalas sa posisyon ni James. 

“I lost it on the left wing. He got me a little bit, but I lost that one,” bulalas ni James. “But the one right before the overturn, he fouled me twice. But whatever. What are you going to do about it?”

Kibit-balikat lang si Durant sa kanyang papel sa aksiyon.

“It’s Christmas,” ani Durant. “So much joy in the arena and we feed off that. It’s just fun to be a part of.”

Napuwersang kumayod ng foul ang Cavs para mapigilan ang tikatik ng oras at tumira si Thompson ng apat na huling free throws para selyuhan ang panalo. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy