Una sa Balita

Duque, utol lalong pang nadiin sa conflict of interest

0 303

LALO pang nabuyangyang sa Mataas na Kapulungan ang conflict of interest ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III sa mga transaksiyon sa PhilHealth ng mga kompanyang pag-aari ng kanyang pamilya habang siya ang pinuno ng ahensiya.

Ito ay sa kabila ng paggiit ng isa sa mga kapatid ng kalihim, na dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa expose ni Senador Panfilo Lacson sa mga transaksiyon ng mga kompanya ng kanilang pamilya sa dalawang ahensiya habang siya ay nasa puwesto.

Sa ilalim ng umiiral na batas, awtomatikong chairman ng Philhealth ang kalihim ng DOH.

Si Cezar Duque, nakakatandaang kapatid ni Duque ang sumalo sa tanong ni Lacson sa kalihim tungkol sa mga dokumentong hawak nito sa transaksiyon ng pag-aari nilang kompanyang Doctor’s Pharmaceuticals Inc., habang siya ay nasa puwesto.

“Ang award nangyari before assumption of my brother. Di na namin ma-cancel,” katuwiran ng nakakatandang Duque tungkol sa kontrata ng DPI sa DOH halos isang buwan lamang matapos na maitalaga muli ang kalihim sa ahensiya sa ilalim ng Duterte administration.

“Bakit hindi? Di ako abogado pero kung nagkasundo ang 2 parties, secretary of health na kapatid natin baka pwede itigil natin ang business with DOH dahil may issue ng conflict of interest. Rightly or wrongly we don’t need rocket science to even suspect there’s really conflict of interest. Kasi secretary of health, pagkatapos ang negosyo nyo mag-supply ng gamot sa DOH.

Di po ba napakaliwanag niyan mas maliwanag pa sa sikat ng araw na talagang may conflict of interest?,” tanong naman ni Lacson.

“Di ako maliwanag sa petsa, sa timeline. Hindi ko nasisiguro,” mistulang palusot naman ng nakakatandang Duque.

Bago ang tanong ni Lacson sa nakakatandang Duque ay una nang inamin ng kalihim na wala siyang ginawa upang maresolba ang conflict of interest ng negosyo nila habang siya ay ex-officio member ng PhilHealth bilang pinuno pa noon ng Civil Service Commission bago naging kalihim ng DOH.

“Ex officio member kayo as CSC… Wala kayong attempt maghanap ibang location para maresolve ang conflict of interest? Yan ang professional or ethical thing to do. Upo kayo Oct or Nov 2017. Pero nariyan pa kontrata na ang EMDC may-ari ng Building na inuupahan ng RO1, transacting business with PhilHealth. Wala kayong attempt at all?” tanong ni Lacson na sinagot naman ni Duque ng “Wala.”

Itinakda ang susunod na pagdinig ng komite sa naturang eskandalo ng mga Duque sa darating na Agosto 27.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy