Una sa Balita

Duque negatibo sa COVID-19

0 424

Negatibo sa coronavirus disease si Health Secretary Francisco Duque III.

Ito ang kinumpirma ni DOH spokesperson at Undersecretary Ma. Rosario Vergeire matapos lumabas ang resulta ng isinagawang test ng Research Institute for Tropical Medicine noong Sabado nang gabi.

Ayon kay Vergeire, maayos naman ang pakiramdam ngayon ni Duque pero patuloy pa rin itong imomonito.

Sumailalim sa quarantine si Duque noong Marso 18 matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang director ng DOH na nakasalamuha ng Kalihim. (Juliet de Loza-Cudia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More