Una sa Balita

Duque nagpalusot sa RITM shake-up

0 529

Sa kabila ng nilagdaang appointment paper, itinanggi ni Health Secretary Francisco Duque na sinipa niya ang pinuno ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ito’y matapos mag-leak sa social media ang appointment paper ni Health Assistant Secretary Nestor Santiago bilang kapalit ni Dr. Celia Carlos bilang head ng RITM.

Base sa pinost ng isang Marvin Jacob@Marvjacob5, tinanggal umano si Dr. Carlos dahil tumanggi itong unahin sa COVID-19 test ang mga asymptomatic politician at iba pang VIP kesa sa mga pasyenteng may sintomas. Kalakip ng kanyang post ang appointment paper ni Santiago na may lagda mismo ni Secretary Duque.

Ang nasabing post ay naging viral sa social media, kasabay ng pagkalat ng larawan ni Senador Francis Tolentino na nagpa-test sa kanyang opisina.

Inamin naman ni Duque na nilagdaan niya ang appointment paper pero nagkamali umano ang kanyang executive assistant na siyang bumalangkas ng dokumento dahil ang utos niya ay bigyan lang ng “oversight powers” si Santiago at hindi para maging OIC ng RITM.

“Nagkamali ‘yan. Inamin na ‘yan ng aking head executive assistant. Ang nailagay nila ‘yung designation na director. Ang sinabi ko magkaroon ng oversight lamang para makatulong kay director Celia Carlos sa pagpapalawig ng testing capacity,” paliwanag ng kalihim.

“Kasi siyempre overwhelmed na rin ‘yung director ko na ‘yan who is technically competent. I have no doubt about his technical expertise. Ang kailangan lang niya ‘yung management ng expansion ng test labs natin. So pinasok ko si Asec Nestor Santiago,” dagdag ni Duque sa interview ng DZMM.

Hindi naman kinagat ng mga netizen ang paliwanag ni Duque. Sabi ng isang netizen, pinapaikot lang ng kalihim ang mga tao sa kanyang paliwanag. May ibang nagsabi naman na sinungaling ang DOH chief.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More