Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duque lusot sa Pharmally scam

0 256

Mayroon nga bang pressure kaya walang mataas na opisyal na Duterte administration na inirekomendang kasuhan ng House Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay sa kontrobersiyal na Pharmally deal ng mga COVID supply?

Agad namang itinanggi ng chairperson ng komite na si DIWA Party-list Rep. Michael Edgar Aglipay ang mga alegasyon na mayroong tumawag o nag-pressure sa kanya kaugnay ng inilabas na ulat.

“Wala,” sabi ni Aglipay sa isang Viber message. “Wala po, four months ito busisi at pinaghirapan.”

Dagdag pa nito: “Hindi po ako nabibili hindi po ako na pre-pressure.”

Ayon sa isang source mayroon umanong sumiguro na wala ang pangalan ni Health Secretary Francisco Duque III sa mga irerekomendang kasuhan ng House panel kaugnay ng Pharmally deal.

Kinalampag diumano ang mga kakampi ni Duque sa Kamara at Senado para malibre ito sa kaso, ayon pa sa source ng Abante.

Nangyari umano ang pagtawag matapos bawiin ng Kamara ang ginawa nitong pagpapatibay sa isa pang ulat ng House Committee on Good Government ang Public Accountability sa imbestigasyon nito sa COVID-19 response ng gobyerno.

Sa naturang ulat, inirekomenda ng komite ni Aglipay na kasuhan si Duque kasama si dating Food and Drug Administration (FDA) Chief Eric Domingo.

Ayon kay Aglipay nais ng komite na bigyan ng pagkakataon si Duque na mailahad ang kanyang panig. Binawi ang pagpapatibay ng Kamara sa report upang muling mabuksan ng komite ang pagdinig nito.

Samantala, nagpahayag ng pagkadismaya si House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa ulat ng House Committee on Good Government and Public Accounta¬bility kaugnay ng imbestigasyon sa Pharmally.

“The Committee Report is wanting, even disappointing,” sabi ni Zarate matapos na isapubliko ng chairman ng komite na si DIWA Party-list Rep. Michael Edgar Aglipay ang mga rekomendasyon kaugnay ng isinagawang imbestigasyon.

Sinabi ni Zarate na mistulang sinundan lang ng komite ang “whitewashing line” ni Pangulong Rodrigo Duterte. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.