Una sa Balita

Duque kinasuhan ulit sa Dengvaxia vaccine

0 1,272

Muling sinampahan ng kaso sa Department of Justice (DOJ) si Health Secretary Francisco Duque III. Kasong obstruction of justice ang isinampa kay Duque dahil sa hindi nito pakikipagtulungan sa imbestigasyon sa pagkamatay ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.

Nalaman na ang reklamo ay isinampa ng mga magulang ng 13-anyos na si Abbie Hedia ng Muntinlupa City, isa sa 47 nasawi matapos na mabakunahan ng Dengvaxia na naidokumentaryo ng Public Attorneys’ Office (PAO).

Nalaman na tumatanggi umano si Duque na magbigay ng kopya ng masterlist ng mga batang mabakunahan ng Dengvaxia sa kabila ng awtoridad na ibinigay ng DOJ sa PAO na magsagawa ng fact-finding investigation at build up cases mula sa immunization program, sa pamamagitan ng inisyu na Administrative Order No. 2018-0011.

Una nang kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide sa ilalim ng Article 365 ng Revised Penal Code at paglabag sa Republic Act No. 9745 (Anti-Torture Act) si Duque at 35 iba pa sa pagkamatay ni Hedia. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy