Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duque, del Rosario ‘di pa ligtas sa PhilHealth scam-PACC

0 60

Hindi pa “off the hook” si Health Secretary Francisco Duque III sa imbestigasyon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Task Force.

Ito ang inihayag ni Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Greco Belgica na miyembro ng task force, dahil patuloy pa ang imbestigasyon ng ng Task Force sa PhilHealth anomaly.

Gayundin aniya si Rodolfo del Rosario Jr, dating PhilHealth senior vice president sa legal sector ay hindi pa rin off the hook kahit hindi sa listahan dahil maraming kaso na inilagay sa kanya na iimbestigahan pa.

“Secretary Duque is not yet off the hook. A thorough investigation and determination of liabilities is being done in the entire PhilHealth. We’re also helping address the systemic problems in PhilHealth,” ayon kay Belgica.

Nabatid na ang natapos lamang imbestigahan ng PACC ay kaugnay sa interim reimbursement mechanism ng PhilHealth.

Inirekomenda ng PACC ang pagsasampa ng kaso sa 8 opisyal ng PhilHealth at may 16 pang pangalan ang isinumite nila sa Task Force gayundn ang dalawang grupo ng mga opisyal na binansagang ‘mafia.’ (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.