Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duque baka hilo hindi hero – Lacson

0 67

“What he really meant was hilo.”

Ito ang sinabi Senador Panfilo Lacson patungkol sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan tinawag nitong hero o bayani si Health Secretary sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.

“He said that the Philippines is doin­g good in the fight against COVID-19 and called his health secretary a ‘hero.’ What he really meant was ‘hilo,’” pahayag ni Lacson sa post sa Twitter.

Para naman kay Senadora Grace Poe, ang mga frontliner ang maituturing na real heroes o mga tunay bayani sa gitna na pandemya.

“The real COVID-19 pandemic heroes are courageous workers riskin­g their own lives for others,” sabi ni Poe.

“With their hard work and resilienc­e, we see people volunteerin­g to make up for the inadequacies to the virus response,” sambit pa nito.

Hindi aniya maitatanggi na malaki ang naging kontribusyon ng mga frontliner sa panahon ngayon kaya’t nararapat lang na ipagkaloob sa kanila ang pagkilalang ito. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.