Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dumura kay Trae, nambato kay Westbrook ban sa NBA

0 236

MAGKAKASUNOD ang ibinabang ban ng Utah, New York at Philadelphia sa fans na gumawa ng eksena sa kani-kanilang arena.

Banned indefinitely na sa Wells Fargo Center sa Philly ang fan na nagbuhos ng popcorn kay Russell Westbrook habang iika-ikang papasok ng tunnel ang Washington guard sa Game 2 ng East first round.

Tinalo ng Sixers ang Wizards 120-95 tungo sa 2-0 series lead.

Binawi ng 76ers ang season-ticket membership ng fan.

Pinagbawalan ng Knicks na pumasok sa Madison Square Garden ang fan na nandura kay Atlanta Hawks guard Trae Young sa Game 2 din Miyerkoles ng gabi. Bumawi ang New York 101-92 para itabla ang series.

May 8 ½ minutes pa sa fourth, pa-inbound si Young sa sideline nang duraan ng fan. Gigil ang Knicks fans kay Young, nagbaon ng last-second floater na nagpanalo sa Hawks sa opener.

Tatlong fans ng Jazz ang banned sa Vivint Arena sa Salt Lake City dahil sa “vulgar and racist comments” kay Memphis sophomore Ja Morant.

Sa series-tying 141-129 win ng Jazz, pinagsalitaan ng fans ng hindi maganda ang mga magulang ni Morant na sina Tee at Jamie. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.