Una sa Balita

Dumulog sa tax mapping division

0 411

Good day po!

Tanong ko lang po tungkol sa lupa na tinitirikan ng bahay namin. Hindi po kasi namin alam kung kanino pong lupa iyon doon na rin kasi pumanaw ang lolo at lola ko.

Saan po ba maaaring magtanong kong may nagmamay-ari na ba ng lupang iyon? Kung sakaling wala pong nagmamay-ari ano po ba ang dapat naming gawin? Maaari po bang pagawan namin ng declaration?

Pero kung sakaling may nagmamay-ari na po mapapaalis ba nila kami kahit sobrang tagal na naming nanirahan doon? Kasi halos lahat ng naninirahan doon wala talagang may alam kung kaninong lupa iyon.

Maraming salamat po sa paglaan ng oras sa aking mga tanong.
Lubos na gumagalang,

Meldy

Ms. Meldy:

Maaari kayong pumunta sa tax mapping division na may sakop sa lupang kinatitirikan ng lupa ninyo. Maaari rin kayong pumunta sa Assessor’s Office upang ipadeklara ang structure o improvements bilang inyong ari-arian at ipadeklara na higit na sa 10 taon kayo naninirahan doon.

Sa ganung paraan po ay malalaman ninyo kung mayroon ng may-ari ang lupa.

Kung wala pa pong may-ari at nadeklara naman ito sa pa­ngalan ng Republic of the Philippines bilang isang alienable and disposable lot ay maaari kayong magsampa ng petition para mapasainyo ang lupa sa pamamagitan ng prescription and occupation na halos ilang dekada na.

Pero sundin at kumpletuhin lamang po ang mga requirement bago makapagpatitulo ng lupa, tulad ng pagpapasukat at pagpapa-survey upang magkaroon kayo ng aprubadong survey plan na katunayan ng tagal ng pagtira sa lugar na hindi bababa sa 10 years in good faith at 30 years naman kapag may naunang tumira na pinapatuloy lamang at lalabas na hindi kayo in good faith.

Kung nagkataon naman na mayroon ng may-ari ay maaari po kayong mapaalis diyan kahit ilang taon na ka­yong nakatira diyan.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922-0245 o 8514-2143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy