DUMATING NA ANG ORAS NI NOYNOY — MALACAÑANG

By

Naniniwala ang Malacañang na duma­ting na ang oras para panagutan ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at dalawang iba pang dating opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang malagim na kamatayang sinapit ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.

Ito ang naging reaksyon ni Presidential Chief Legal Counsel Secretary Salvador Panelo sa naging hakbang ng Office of the Ombudsman na sampahan ng kaso sina Aquino, dating PNP Director General Alan Purisima at dating SAF Director Getulio Napeñas kaugnay sa pagkamatay ng 44 SAF troopers sa Mamasapano.

Kamakalawa ipinag-utos ng tanggapan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ng kasong usurpation of authority at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay sa Mamasapano massacre laban sa mga nabanggit na personalidad.

“Sooner or later the law will catch up on those who use power or wealth to shield themselves from the majesty of the law,” pahayag ni Panelo kaugnay sa pagsasampa ng kaso ng Ombudsman.

“There is a time for reckoning and the time has finally come for the former President. Dura Lex Sed Lex, no power nor wealth can escape from it, it can only delay its coming, but when it does, it operates ex propio vigore (with full force and effect),” dagdag ng Chief Presidential Legal Counsel ng admi­nistrasyong Duterte.

Pangunahing target ng isinagawang police operation sa Mamasapano na tinaguriang ‘Oplan Exodus’ ang Malaysian terrorist na si Zulkifli Bin Hir alyas ‘Marwan’.

Iniulat ng mga awtoridad na napatay nila ito, inatake naman sila ng iba pang mga armadong grupo matapos ang operasyon laban kay Marwan na nagresulta sa pagkamatay ng 44 SAF troopers.

SHARE