Una sa Balita

Dumadaming Epal na Party-list Reps

0 377

Marami nga­yong party-list Representatives ang tila umeepal at halos lahat ng mga maiinit na isyu ay sinasakyan ng mga ito.

Naguguluhan lang ako dahil ang dapat na prayoridad ng mga party-list Representatives na ito ay magsulong ng mga ­panukalang batas na may kina­laman sa sektor na kinakatawan sa Kongreso.

Parang ng ang nasasapawan pa nga ng ilang epal na party-list Representatives ang mga mismong Kongresista na kumakatawan sa bawat distrito at namumuno ng mga mahahalagang komite sa Kamara.

Mayroong party-list group na may kinalaman sa kalusugan pero ­sumasakay sa napakaraming isyu ng pamumulitika at ang iba naman ay para sa anti crime pero iba rin ang tumbok sa mga isyu.

Kung may kinalaman sa kalusugan at mga Medical worker ay dapat na bukambibig ng mga ito ay ang interes ng sektor na kanilang kinaaniban.

Pero ang nangyayari kung ano ang mainit na usapin ay sakayan na ang lahat para sa ­publisidad.

Sa ngayon ay dapat na maging mapagmasid ang publiko na kapag may party-list group na lihis na sa kinaanibang sektor na ito ay kanilang tandaan at hindi na dapat pang iboto.

Kung tutuusin ay lubhang nabababoy na ang pinaka intensiyon ng batas sa party-list dahil kung sinu-sino na lang ang lumalahok na hindi naman kumakatawan sa tunay na sinasabing kawawang sektor na dapat ay ­katawanin sa ­Kongreso.

Nawala na ang pinaka tema sa ­party-list na marginalized o sektor na kawawa at kaila­ngang magkaroon ng boses sa Kongreso.

Sana naman ay mayroong political will na mga mam­babatas na dapat ay buwagin na ang party-list system sa bansa dahil sobrang naabuso na ito at lalong magpalobo sa gastusin ng mga tax payer.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy