Una sa Balita

Dula, Mojdeh tig-5 ginto sa Batang Pinoy

0 289

Kapwa sumisid ng tiglimang gintong medalya sina Mark Bryan Dula at kakampi na si Micaela Jasmine Moj­deh ng Parañaque City sa pagtatapos­ ng swimming upang umuwi na may pinakamaraming nasungkit na medalya sa Luzon Leg ng 2019 Phili­ppine National Youth Games-Batang Pinoy sa Isabela Sports Complex pool.

Inangkin ng 12-anyos na si Moj­deh ang ginto sa girls 13-15 200m butterfly sa pinakahuling araw ng torneo upang pantayan ang limang gintong iniuwi ni Dula sa boys 12-under dibisiyon ng torneo na inorganisa ng PSC para sa mga kabataang atleta sa in-school at out-of-school na edad 15-anyos pababa.

Related Posts

Isinumite ng Immaculate Heart of Mary College-Parañaque swimmer ang 2:25.74 oras para talunin si Mariah Genara Ubaldo ng Laguna Province (2:38.88) at Maglia Jaye Dignadice ng Puerto Princesa City (2:43.69) upang maging ikatlong atleta na nakapagwagi ng limang ginto.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy