Una sa Balita

Dugyot na Razon’s pinasara ni Vico

0 468

IPINASARA ni Pasig Ciy Mayor Vico Sotto ang isang food company matapos makita ang dugyot at maruming meat processing plant ng establisiyimento sa Bagong Ilog, Pasig City kahapon nang umaga.

Pinangunahan ni Sotto ang sorpresang inspeksyon sa commissary ng Razon’s of Guagua, na gumagawa ng mga pagkaing kapampangan subalit mas kilala sa masarap nilang halo-halo.

Pinasok ng alkalde ang establisiyimento dahil sa reklamo na nagtatapon ito ng dumi at diretso sa drainage.

Sa isinagawang ins­peksyon, labis na ikinadismaya ni Sotto ang dugo ng baboy na dumidiretso sa drainage.

Ayon sa alkalde, matagal nang nag-o-o­perate ang establisimyentong Razon’s of Guagua na walang kaukulang sewerage treatment plant o STP dahil dumidiretso sa drainage o sa kalsada ang maduming tubig nila na nakitaan pa ng dugo ng baboy.

“Wala silang STP o anti-pollution device na kailangan sa batas. Sanhi ang mga ganitong kalakaran ng polusyon at baha,” ayon sa alkalde.

Giit pa ni Sotto na kahit na malaking kompanya pa ang may-ari ng planta ay wala silang pakialam.

Kasabay nito ay iniutos ng alkalde na kilalanin ang empleyado ng CENRO na huling nag-inspeksyon sa Razon’s, at kung bakit nabigyan ng permit sa kabila ng dugyot na planta sa Bagong Ilog na walang maayos na sewerage treatment plant.

“Mananagot ang mga empleyado na ‘yun,” diin ng alkalde.

Matapos ang surprise inspection ni Mayor Sotto sa Razon’s na ipinasara ay nagsiuwian na ang mga empleyado nito. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy