Una sa Balita

Dugo ni Alden pinag-aagawan ng mga fan

By
0 4,076

Nakibahagi si Alden Richards sa Bloodletting Day ng Kapuso Foundation nitong nakaraang mga araw. Take note na hindi lang pagbisita ang ginawa niya dahil nag-donate din siya ng dugo sa unang pagkakataon, huh!

Siyempre, may mga nag-nega pa rin sa ginawang ito ni Alden, dahil bakit hindi na naman daw kasama si Maine Mendoza­! Talaga raw ba na nagsa­sarili na Alden?

Mabuti na lang at mas marami pa rin ang nagsasabi na kahit makita sila na magkahiwalay sa mga lakad nila, AlDub pa rin ang gusto nila, at susuportahan nila.

Naku, tumigil na nga ‘yang mga basher na ‘yan na walang ginawa kundi ang sumilip na lang sa kapangitan ng sitwasyon. Dapat nga matuwa kayo na ang idolo niyo nagdo-donate ng dugo, ha!

Pero, marami kaming kilala na nag-uunahan na maisalin sa kanila ang dugo ni Alden, ha! Katawa lang, ‘di ba?

Samantala, ang Martial Law docu-drama na pinagbidahan ni Alden, ang Alaala ay isa sa finalists sa 2018 New York Festival’s World’s Best TV and Film Competition. Ibinalita ng director nitong si Adolf Alix, Jr. sa kanyang Instagram.

Finalist din ang Area ni Ai-Ai delas Alas at ilan pang programa ng GMA News & Public Affairs.