Una sa Balita

Dugo kumulo sa Kings-TNT Game 3

By
0 137

Grabe ang tensiyon sa Game 3 ng PBA Governors Cup best-of-five semis ng TNT at Barangay Ginebra na pinagwagian ng Gin Kings 106-103 para sa 2-1 lead sa sagupaang idinaos sa Smart Araneta Biyernes ng gabi.

Sa sobrang init ng bakbakan pati dugo ng mga mga opisyal ng dalawang team aba eh, kumulo.

Sa halftime break muntikan magpang-abot si Ginebra governor Alfrancis Chua at TNT coach Nash Racela sa hallway papunta sa kanilang mga dugout.

Nagsimulang magka-initan sina Racela at Chua papatapos na ang second quarter dahil sa technical foul na tinawag ng referee na kinuwestiyon kaagad ng head coach ng TNT.

Inakala ni Chua na patungkol sa kanya ang body language na ginawa ni Racela pero para ‘yun kay coach Tim Cone.

Dahil doon nagsiklab si Chua at itinuro si Racela na tila hinahamon.

Matapos na tumunog ang buzzer ng pagtatapos ng first half, sadyang hindi muna lumabas ng court at pinauna ni Chua si Racela.

Pero hindi pala kaagad pumasok si Racela ng kanilang dugout at sa halip nag-standby muna sa railing na nagsisilbing divider ng hallway habang umiinom ng tubig.

Nang magkatitigan nagbatuhan na kaagad ng maanghang na salita sina Chua at Racela. Doon na hinatak ni coach Tim Cone si Chua papasok sa dugout.

Pero nadinig ni Chua ang tila paghahamon ng isa sa mga assistant  ni Racela na si Gilbert Lao kaya ito naman ang akmang susugurin ng  sports director ng SMC Group.

Ang assistant team manager naman ng Ginebra na si Reyboy Rodriguez ay kaagad hinawakan sa braso si Lao at sinabihang “Tama na”.

Doon na umawat si Commissioner Chito Narvasa na kaagad na ipinatawag si Chua sa kanyang opisina sa Big Dome.

Samantala, nagbubusa si team manager Virgil Villavincencio at kinukuwestiyon ang 27 free throw attempts ng Ginebra kumpara sa walo ng TNT sa first half.

Sa pag-analisa ng Isport Lang sa Game 3, maraming maling tawag at hindi natawagan ang mga referees na sina Peter Balao, Noy Guevarra, Sherwin Pineda, at Mau Orioste kaya sumulak nang husto ang dugo ng naglalabang teams.

Dahil dito maraming ire-review ang technical committee sa performance ng mga referees na tumawag sa Game 3 ng best-of-five series.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More