Una sa Balita

Duda sa anxiety disorder ng asawa (5)

By
0 1,731
DEAR Dra. Holmes:  (shortened Jan. 30 letter)
 
May connection May po ba ang psychosexual disorder (Voyeurism) sa depression and anxiety? 
 
Kasi po claiming ang asawa ko na may severe anxiety and depression siya. Pero now lang niya sinabi at inamin ‘yun, dahil nahuli ko sa cp niya na may pics po ang kapatid ko sa kaniya. Nalaman ko lang din na hindi ito ang unang beses na nangyari ito. Feel ko gawa-gawa lang niya na may anxiety siya para maawa ako sa kaniya. 
 
May anak din po kami – babae. Ngunit nagtatalo ang isip ko. Maayos siyang ama. Ngunit baka gawan niya ng masama ang anak ko. 
 
Never kong nakita na maaari sira-ulo siya o what po pero ang alam ko sa ngayon ­– maniya­k siya. 
 
Ngunit pangit po ang childhood niya, walang good model, kahit ina niya sinabi sakin na ginawa rin daw iyon ng ama niya sa kapatid ng ina niya.
 
Ginugulpi siya ng kabataan niya at dalawang beses na nagtangkang mag-suicide. Nasabi niya na ako ang trigerring factor niya. Dahil nakakita siya ng pagmamahal sa akin, kaya hindi niya kaya mawala ako. Feel ko naman po, anong koneksyon noon sa kaniyang voyeurism? 
 
Feel ko gawa-gawa lang ung anxieties niya. May naririnig na daw kasi siya na inner voice na sinasabing, ‘Walang nagmanahal sayo, magpakamatay nalang’. Sabi rin niya I deprive him of sex. If he is really mentally ill, baka gawan niya ng masama ang anak namin. Maaaring ginawa niya na paninilip by choice? 
 
–WOMANinDespair
 
Dear WOD (WO­MANinDespair):
 
Maraming salamat sa sulat mo na una nating pinublish noong nakaraang Enero 30.  Sa huling kolum natin noong nakaraang Martes, Pebrero 6, sinabi ko na maigi na kayo ay maghiwalay, pero ito ay hindi dahil siya ay voyeur sa paninilip sa kapatid mo at hindi rin dahil sinubukan niyang magpakamatay nang dalawang beses. Siyemre, hindi rin maganda ang pagsisili­p niya sa kapatid mo, pero kahit ‘yang pagsisilip, kung talaga siyang taos-pusong (sincere­) gustong magbago.
 
Kahit ang mga suicide attempts niya ay mapagmanipula­ (mani­pulative).  Eto – ang kaniyang pagigin­g mapagmanipula – at ang kaniyang pagtanggi na mayroon siyang responsibilidad sa mga ginawa niya ang tunay na dahilan kaya sina­sabi kong kailangang ­iwanan mo siya.
 
Ang taong hindi handang aminin ang kaniyang mga pagkakasala ay hindi ang klaseng taong pipiliin mong pagtiyagaan. (A person who refuses to admit to any fault is not worth exertin­g any effort on). TO BE CONTINUED