Una sa Balita

Duda sa anxiety disorder ng asawa (1)

By
0 2,084

Dear Dra. Holmes:

Good day po. Gusto ko po sana maliwanagan. May connection po ba ang psychosexual disorder sa depression and anxiety? Voyeurism po di ba ay psychosexual disorder?

Now po kasi clai­ming ang asawa ko na may severe anxiety and depression siya. Pero now lang niya sinabi at inamin ‘yun, dahil nahuli ko sa cp niya na may pics po kapatid ko sa kaniya. Nilagyan niya ng camera ang CR namin noong maliligo ‘yung kapatid ko. Nalaman ko lang din na hindi ito ang unang beses na nangyari. Feel ko gawa-gawa lang niya na may anxiety siya para, maawa ako sa kaniya.

Feel ko, noon pa niya gusto ang kapatid ko. Naguguluhan ako, kasal po kami sa simbahan. Alam kong dapat subukan kong sagipin ang kasal namin. May anak din po kami na babae. Ngunit nagtatalo ang isip ko. Maayos siyang ama ngunit baka gawan niya ng masa ang anak ko.

Never kong nakita na maaari siyang sira ulo o what po, pero ang alam ko sa ngayon maniyak siya.

Ngunit pangit po childhood niya. At walang good image or model, dahil kahit ina niya sinabi sakin na ginawa rin daw iyon ng ama niya sa kapatid ng ina niya. So, no good values from the parents.

Then alam ko din po na gunugulpi siya noong kabataan niya. At may 2 beses na nagtangkang mag-suicide. Una, overdose, ngunit feel ko dahil maghihiwalay kami noon. At sabi ng ina niya, para daw huwag kong iwan kunwari gagawa sila ng istorya na nag-overdose siya. Noong malaman kong gawa-gawa lang ‘ka ‘ko, “Bakit hindi mo ginawa? Eh di sana nagpakamatay ka na.” Doon lang po niya totoong ginawa. After 30 mins ng pag-inom niya ng gamot, nagpatakbo sa ospital at sinabing nag-overdose siya. Pangalawa, naglaslas. Nagpatingin siya sa psychiatrist sa mental hospital. Nasabi niya na ako ang triggering factor niya. Dahil nakakita siya ng pagmamahal sa akin, kaya hindi niya kaya na mawala ako. Feel ko naman po, anong connection noon sa paninilip niya “voyeurism.”

Kaya feel ko gawa-gawa lang ‘yung anxieties niya. 1. may connection po ba ang psychosexual disorders sa mental disorder? May naririnig na daw kasi siya na inner voice na galit at sinasabi wala naman nagmanahal sa ‘yo kaya lumipad ka nalang. (Inner voice na nagsasabing tumalon siya at magpakamatay nalang) 2. He is decla­ring I was depriving him of sex. 3. If he is really mentally ill, baka gawan niya ng masama anak namin. Mahal po kasi ung psychiatrist kaya 2x pa lang siya nagpunta. I seek po sana ng professional advice with this matter. May connection po ba ang psychosexual at depression. Or ‘yung ginawa niya na paninilip ay by choice. Thankyou po — WOMANinDespair