Una sa Balita

Duda ng fans sa Kings naalis

By
0 16

Ilang araw bago ang Game 1 ng best-of-seven PBA Governors Cup title playoff ng Barangay Ginebra at Meralco Bolts, maraming fans ng Gin Kings ang duda na kakayanin nila ang mga bata ni coach Norman Black.

Pero matapos ang opening game ng serye kung saan tinambakan ng 15 points ng Kings ang Bolts 102-87 sa Lucena City na natapat pa sa Friday the 13th, tila nabura na ang mga pagdududa nila.

“Kayang-kayang pala ng Ginebra ang Bolts,” sabi ng 63 years old na si Reming na taga-Cagayan Valley kinaumagahan ng Sabado at habang inihahanda ang kanyang mga lalabhang  damit.

“Tambak kuya ang Bolts kagabi. Akala ko hihirapin ang mga bata namin,” nakangiting  sabi ng nurse na si Alvin Maderazo sa Isport Lang.

Kabilang sina Reming at Alvin sa maraming fans ng never-say-die team sa area na aking tinitirhan sa Quezon City. Dahil sa tinambakan ang Bolts, para daw silang nabunutan ng tinik sa lalamunan nang magwagi ang Barangay Ginebra sa Meralco sa Game 1.

Kung sabagay, talaga namang kagulat-gulat ang ipinakitang laro noong Biyernes ng Gin Kings kaya pati ang kanilang coach na si Tim Cone eh, talagang nasorpresa.

“I was surprised that  we played this well. I was surprised that we controlled the game from start to finish,” sabi ni Cone.

Talaga namang may katwiran si Cone na magtaka kung ano ang nakain ng kaniyang mga players kaya kay bibilis nila, deadly sa shooting at depensa. Huwag nang isama pa  ang kanilang advantage sa height.

Lima sa Kings ang nagsumite ng twin digits – Justin Brownlee (32), Japeth Aguilar (15), Greg Slaughter (14), Kevin Ferrer(11), at LA Tenorio (10) kumpara sa tatlo ng Bolts kaya pa’no naman sila tatalunin ng Bolts.

Sa Meralco ang import na si Allen Durham ay naka 27 points lang, Baser Amer 14 at Mike Tolomia 10 points.

Nakatakda ang Game 2 ngayong Lingo sa Smart Araneta kung saan pipilitin ng Meralco na maitabla ang serye at kung mabigo pa, baka mauulit na naman na talo ang Bolts sa kampeonato tulad din ‘nung  huli silang naglaban ‘nung nakaraang season.