Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duba cave nanghila ng buhay

0 113

PATAY ang isang lalaki na sinasabing nakainom matapos itong lumangoy nang walang life jacket sa ilog ng Duba Cave sa Barangay San Manuel, Baggao, Cagayan noong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Edmar Talon, 23, ng Barangay Poblacion ng nasabing bayan.

Sa report, ayon sa Baggao Police Station, bago ang insidente, nagtungo ang biktima kasama ang mga kaibigan sa Duba Cave na isa sa mga tourist spot sa nasabing bayan upang mag-picnic at mag-inuman.

Ayon sa pulisya, nag-iinuman ang grupo nang mapansin nilang nawawala si Talon kaya agad nagpasaklolo. Ilang saglit lang ay nakita na ng rescue team na wala nang malay ang biktima sa ilog.

Agad na dinala ang biktima sa ospital ngunit dead-on-arrival na ito.

Matatandaan na binuksan na sa publiko ang Duba Cave subalit limitado lamang ito sa mga residente sa naturang bayan dahil na rin sa pandemya. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.