Una sa Balita

Du30 vs Tatad

By
0 741

Napikon si Pangulong Duterte sa mga sinusulat ni dating Sen. Francisco ‘Kit’ Tatad tungkol sa kanyang kalusugan at nagbantang kung magkikita ay agad niya itong sasampalin.

Wala umanong katotohanan na siya ay may kanser. Wala ring katotohanan na wala na siyang kakayahan na makipagtalik dahil sa sakit na diabetes.

Sinabi ni Duterte na lumalagpas na si Tatad sa kanyang karapatan bilang mamamayahag at maituturing na pambabastos ito sa kanya.

Para patunayan ang kanyang pagkalalaki, binanggit ni Duterte na ipahiram sa kanya ni Tatad ang kanyang asawa.
Sino ngayon ang lumilitaw na bastos ang pangulo ba o si Tatad?

BALITAWIT
SINASAMBA KITA (Rey Valera)
Sasampalin ka niya !
Higit sa iyong akala, sasampalin ka niya……
Pag galang sa iyo’y ngayon ay walang-wala…
Dahil sa ‘yong kinalat na ang buhay niya’y bumibigay na nga..
Sasampalin ka niya!

REFRAIN:
Kung anumang dahila’y hindi mahalaga…
Bastat sasampalin ka niya…
Bilang patunay na kayang-kaya pa niya…
Sa kanya’y ipahiram, ang iyong minamahal..
Paano ba mailarawan ‘to, bayan haaa……
Sasampalin ka niya…
Kung kasalanan man sa diyos ang mga sinasabi niya..
Sino ba’ng bastos sa kanilang dalawa?
Yung nagsabi bang may kanser siya o yung manghihiram ng asawa..
Sasampalin ka pa!

REFRAIN:
Kung anumang dahila’y hindi mahalaga…
Bastat sasampalin ka niya…
Bilang patunay na kayang-kaya pa niya…
Sa kanya’y ipahiram, ang iyong sinasamba..
Para ba mailarawan ‘to, bayan ?haaa……
Lord Kayo na po ang bahala!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy