DTI tiklop sa paglabas ng mga menor de edad

Susundin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na inawat ang paglabas sa kanilang tahanan ng mga batang 10-anyos pataas na nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine.
Kasabay nito, tiniyak ni DTI Secretary Ramon Lopez na patuloy nilang susuportahan ang mga negosyante na maka-survive sa krisis na dulot ng pandemya sa COVID-19.

Ayon kay Lopez, sinabihan ng Pangulo ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na obserbahan muna ang sitwasyon matapos na makapagtala ng UK variant ng COVID-19 sa bansa.
Aniya pa, maaari namang ipatupad ang pagluluwag sa mga bata kapag kontrolado na ang bagong COVID-19 variant. (PNA)