Una sa Balita

DTI nagpautang ng ₱11M sa P3 program

By
0 118

UMABOT sa P11 mil­yon ang kabuuang inte­rest-free loan ang ipinagkaloob ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ilalim ng Pondo Pagbabago at Pag-asenso (P3) program sa mga pamilya ng mga sundalo na nasugatan at nasawi sa Marawi siege.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, masaya sila sa naging turn out dahil sa pamamagitan ng loan assistance ay makakapagsimula muli ng bagong buhay ang mga pamilya ng sundalo sa pamamagitan ng pagnenegosyo.

Base sa ulat ng kagawaran, 159 sa 186 loan application na kanilang naaprubahan at ito ay naipamahagi na noong katapusan ng Hulyo.

Karamihan din sa loan applications ay nanggaling mula sa sugatang sundalo.

Magugunitang nitong nakaraang Pebrero ay lumagda sa equity at loan agreement ang DTI sa Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para bigyang-tulong ang mga pamilya ng sugatan at nasawing sundalo sa Marawi.

Sinabi pa ni Lopez, maliban sa P3 program ay nagsasagawa rin ng mga negosyo seminar ang DTI sa mga suga­tang sundalo at pamil­ya ng nasawing sundalo para malaman nila kung paano nila gamitin ang mga perang kanilang ni-loan sa itatayo nilang negosyo.