Una sa Balita

DTI nagbabala sa mga negosyanteng nagtataas ng presyo ng face mask

0 264

Sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na nakakatanggap sila ng mga report na ilang nagtitinda ng mga face mask at gas mask ang sinasamantala ang mataas na demand ng kanilang produkto kaugnay ng pagsabog ng Taal Volcano.

Naglilibot na umano ang DTI para ma-monitor ang mga presyo ng maskara na panlaban sa ashfall at nagbabala sa mga oportunistang negosyante.

Malalagot anila sa batas ang mga ito.

“Those found to have unreasonably increased their prices for gas masks, face masks and other similar items, which act is tantamount to profiteering, shall be dealt with to the fullest extent of the law,” pahayag ng DTI.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More