Una sa Balita

DTI may babala sa mga substandard flat glass manufacturer, importer

0 269

DAO istriktong ipatutupad

MULING binalaan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga flat glass manufacturer at importer na sumunod sa istriktong pamantayan sa kalidad ng kanilang mga produkto.

Sa inilabas ng DTI na Department Administrative Order (DAO) nito lang Abril 6, 2019, inaatasan nito ang pagtatakda ng Product Standard for Flat Glass sa buong bansa na naglalayong pairalin sa mga construction site ang paggamit ng mataas na uri ng salamin sa mga gusali.

Nagsanib-puwersa ang DTI at ang Bureau of Product Standard para lalo pang palakasin ang kampan­ya ng gobyerno laban sa mga kontraktor, importer at mga manufacturer ng mga flat glass.

Ayon kay DTI-BPS Director, Engr. James Empeno, patuloy ang paglakas ng construction sector ng bansa sa nakaraang tatlong taon kaya mas dapat maging agresibo ang ahensiya laban sa mga gumagamit ng mga substandard flat glass dahil inilalagay nito sa panganib ang mga mamamayan.

Binigyang-diin ni Empeno na ang mataas na uri ng flat glass na weather-tested ay hindi basta nababasag ng hangin o anumang bagyo, lalo na kung ang mga ito ay nakakakabit sa mga skyscraper o mataas na mga gusali.

Nanawagan din ang DTI sa lahat ng mga stakeholder na sumunod sa DAO upang hindi mapati­gil ang anumang konstruksyon ng kanilang mga building dahil lang sa paggamit ng low quality flat glass. (Mia Billones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy