Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DTI kinalampag sa mataas na bentahan ng purified water

0 835

Kailangan imbestigahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga water refilling station para matiyak kung malinis ang ipinabibili nitong purified water kabilang ang pagtaas ng presyo nito sa panahon ng pananalasa ng COVID-19.

Ginawa ni Senadora Imee Marcos ang apela sa gitna ng pagtaas ng presyo kung ikukumpara sa kaparehas nitong purified water na ipinagbibili sa ibang water refilling stations.

“Ang binibili na kasi ngayon e, yung purified water, pero ang problema bakit merong nagtitinda ng mahal at merong mas mura? Parehong purified water pero bakit meron mataas kung magbenta?” tanong ng senadora.

Sa kasalukuyan, ang presyo ng 5-gallon water container ng isang purified water, may gripo o wala ay P25 at ang iba namang water refilling station ay ipinagbibili ito ng P30 hanggang P35 kahit na walang pagkakaiba sa kanilang produkto.

Kailangan ding mag-inspeksiyon ang DTI sa mga water refilling station kung sumusunod ang mga ito sa kautusan tulad ng pagpapaskil ng sanitary permit kabilang na ang resulta ng monthly bacteriology water examinations.

“Ang dami kasing reklamo, hindi lang sa mataas ng presyo ng purified water, kundi ang maruming lalagyan ng tubig, kasi nga, mukhang hindi mabuting nahuhugasan. Bigyan dapat kasi ng proper seminar at training ang mga empleyado,” sabi ni Marcos.(Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.