Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DTI, DA nganga sa sirit presyo! Gutom titindi sa ‘gintong’ isda, gulay

0 237

Nagbabala si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na mas matinding gutom ang aabutin ng sambayanang Pilipino dahil sa pagsirit ng presyo ng pagkain.

Bunsod nito ay inirekomenda ng Senador na dapat talakayin sa susunod na cabinet meeting kung paano mapapababa ang presyo ng pagkain dahil hindi na kinakakaya ang mga Pinoy ang mataas na presyo nito sa gitna ng pandemya.

“I think this should be on the top of the agenda in the next Cabinet meeting,” sabi ni Recto.

“The people who are having a hard time making ends meet are looking for answers on when these “food price shocks” would end,” dagdag nito.

Iginiit rin ni Recto na kailangang ibahagi ng Department of Trade and Industry (DTI) at Agriculture sa publiko ang sa kanilang plano kung papaano mapapababa ang presyo ng isda, gulay at karne.

Lumalabas aniya sa pang-araw-araw na pag-monitor ng gobyerno na tumaas ang presyo ng “agri-fishery commodities sa maraming pamilihan sa Metro Manila.

Nitong Nobyembre 23, ang presyo ng ampalaya ay pumalo ng 196 porsiyentong pagtaas kumpara sa nagdaang buwan habang 200 porsiyento naman sa sili.

Ang reporlyo at sayote, batay sa Philippine Statistics Authority report ay nadoble rin ang presyo sa loob ng 30 araw.

Ang presyo ng pechay ay tumaas na 1678 porsiyento; kamatis [133%] at sibuyas na pula [108%].

“Kung ang ampalaya ay P235 kada kilo at ang pechay ay P160, paano pa ito mabibili ng isang minimum wage worker?” tanong ni Recta. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.