Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DTI chief bilib sa economic team ni Marcos Jr

0 124

Nagpahayag ng suporta si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa mga napiling economic team ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Lopez, makatitiyak na nasa magandang mga kamay ang bansa dahil magagaling at may mga karanasan ang napili ni Marcos na makatulong nito para sa kapakanan ng bayan.

“Excellent choice ang mga ginawa ng ating incoming at president-elect Bongbong kasi magagaling at well-experienced at we are in good hands. Alam natin na sila `yong talagang makikita mong magiging puro serbisyo lang para sa bayan,” ani Lopez.

Kabilang sa magiging economic team ni Marcos sina Bangko Sentral ng Pilipinas governor Benjamin Diokno na magiging kalihim ng Department of Finance, Felipe Medalla na siyang kapalit ni Diokno sa BSP at Arsenio Balisacan bilang socioeconomic planning secretary. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.