Una sa Balita

DTI binira ni Binay sa mataas na bilihin

By
0 161

DISMAYADO si Senator Nancy Binay sa panunungkulan ng mga kawani ng Department of Trade and Industry (DTI) matapos nitong hindi gumawa ng aksiyon sa nara­ranasang inflation. 

Sinabi ni Binay na tungkulin ng DTI na tiyaking mura ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado. 

Aniya, huling nakita sa serbisyo ang DTI noong tinamaan ng kalamidad at krisis ang Kabisa­yaan tulad ng Yolanda at Marawi conflict. 

“DTI has a commitment in ensuring that consumers have access to reasonably-priced goods,” sabi ni Binay. 

“The last time we saw DTI’s rolling stores was in Leyte during the height of Yolanda and the Marawi conflict. Sana consistent tayo. With inflation and skyrocketing prices, at isama na natin ang mga bagyo at iba pang kalamidad, what’s keeping government from re-deploying state-run rolling stores?” dagdag pa nito. 

Kinuwestiyon rin ni Binay ang mabagal na pag-distribute ng Unconditional Cash Transfer (UCT) na 5.3 mil­yong pamilya lamang ang nakatatanggap ng ­tulong-pinansyal.