Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DTI binago SRP sa 82 pagkain

0 50

Naglabas na ang Department of Trade and Industry (DTI) ng bagong suggested retail price (SRP) para sa mga pangunahing bilihin kung saan 82 na mga produkto ang nagtaas ng presyo.

Sabi ng DTI, nasa 2% hanggang 10% ang tinaas ng presyo ng 71 na mga produktong nagmahal kung ikukumpara sa SRP na inilabas noong Enero 2022.

Nabatid na nagmahal ang presyo ng mga sangkap na ginagamit ng mga manufacturer tulad ng presyo ng tamban na ginagamit sa delatang sardinas, mga mechanically deboned meat para sa mga meat loaf, buttermilk sa processed milk, at palm oil sa instant noodles at iba pang mga pagkain. Sabi ng DTI, hanggang 32.14% ang tinaas ng presyo ng mga ito at nagmahal pa ang gasolina at krudo ng 28.84% na dumagdag pa sa gastos.

Sa pahayag, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na pinilit nilang maliit lamang ang itataas sa presyo ng mga bilihin. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.