Una sa Balita

‘DSWD Sec Angel’ bet ng mga netizen

0 392

“Ang anak kong si Lyka (Angel Locsin) for DSWD Secretary please. (Flex emoji)!” ang sabi ni Agot Isidro sa kanyang Twitter kalakip ang tweet ni Angel kung saan ipinagtatanong niya kung ano ang pangangailangan ng mga bakwit sa Batangas.

Loud and proud na ibinida ni Agot ang anak-anakang si Angel dahil sa walang sawang pagtulong nito sa mga nangangailangan.

Marami namang fan ang sumang-ayon sa suhestiyon ng aktres na gawing DSWD (Department of Social Welfare and Development) secretary si Angel dahil pakiramdam nila ay mapagkakatiwalaan at magiging epektibong leader ito.

“Pwede gawing safekeeper si @143redangel ng Calamity Fund? Mas panatag ang loob ng bayan,” sabi ng isa.

“Karapat Dapat,” hirit ng isa pa.

Kilala na nga kasi si Angel na nangunguna sa pag-abot ng tulong sa mga oras na kailangan ng kapwa Pilipino.

Samantala, wala pa namang tugon dito si “Darna” kung game ba siyang maging DSWD secretary. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More