Una sa Balita

DSWD list gagamitin sa pamumudmod ng food, cash aid

0 523

Uunahin ng gobyerno na bigyan ng tulong -pinansiyal ang mga pinakamahihirap na pamilyang Pilipino.

Ito ang inihayag ni Secetary to the Cabinet Karlo Nograles kasunod ng nakatakdang pamamahagi ng mula lima hangang walong libong piso na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Nograles, ang listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang susundin sa pagbibigay ng tulong -pinansiyal, batay sa mga pangalang nasa data-base.

“Uumpisahan na po natin ang pamimigay sa linggong ito. Uunahin muna namin yung mga nasa listahan ng database ng gobyerno. Ang DSWD ay patuloy na kinukuha ang listahan ng mga higit na nangangailangan sa lipunan.Ito yung listahan ng most marginalized at pinakamahirap nating mga kababayan at ang kanilang pamilya,” ani Nograles.

Hawak na aniya ng DSWD ang listahan at hindi na muna gagamitin ang listahan ng local government units , partikular ang listahan ng mga barangay dahil kung hihintayin pa ito ay hindi agad makakapag-umpisa ang gobyerno.

Idadaan sa beripikasyon ng DSWD ang isusumiteng listahan ng mga LGU para masigurong hindi magdodoble ang mga dapat na tumanggap nito.

Ayon kay Nograles uunahin munang ipamigay ng gobyerno ang food assistance at isusunod ang financial assistance.

“Ang mauuna po dito ay food assistance muna. Yung financial assistance, yun po yung susunod na ibibigay,” dagdag ni Nograles.

Para sa mga hindi nabigyan at wala sa database ng gobyerno ang mga pangalan, sinabi ng kalihim na mayroong social amelioration card or form na ipamamahagi sa barangay para makuha ang listahan ng mga kuwalipikadong dapat na makatanggap ng tulong .(Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More