Una sa Balita

DSWD kinapos, humingi ng P662M QRF sa DBM

0 318

Humirit ng karagdagang P662 milyong pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Department of Budget and Management (DBM) upang ma-replenish ang Quick Response Fund (QRF) na umimpis dahil sa pagtugon sa mga disaster at kalamidad.

Sinabi ni DSWD spokesperson Director Irene Dumlao na naubos na ang QRF ng ahensiya dahil sa COVID-19 crisis.

Mayroon na lamang P199 milyon pondo ang DSWD na maaaring gamitin sa QRF para sa pagbili ng food packs, relief supplies at iba pa.

“Humihingi tayo ng karagdagan sa DBM para ma-replenish. Hiningi natin ay P662 milyon,” saad ni Dumlao sa DZBB interview.

Ang QRF ay hiwalay pa sa Social Amelioration Program o ang pinamimigay na cash aid para sa mahihirap na pamilya sa bansa.

Nakapagbigay na ang DBM ng panibagong P100 bilyon sa DSWD para magamit sa distribusyon ng ikalawang tranche ng SAP.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More