Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DSWD, DILG binira sa ipit-ayuda

0 186

Pinamamadali na ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas sa pamahalaan ang paglabas ng guidelines para sa pamamahagi ng P10.89 billion cash aid sa mga residente ng Metro Manila na apektado ng enhanced community quarantine (ECQ).

“Nasaan na ang ayuda? ‘Yan ang mas mahalagang pag-usapan ngayon lalo’t naka-lockdown na naman ang sikmura ng maraming Pilipino. Daily ba ang kaila­ngang pangungulit sa usaping ito?” giit ni Brosas.

Ayon kay Brosas, nagsimula na ang ECQ ngunit hindi pa nailalabas ang joint memorandum circular para sa pamamahagi ng cash aid ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Work Development (DSWD).

Hindi umano masisimulan ang pamamahagi ng ayuda ng mga lokal na pamahalaan kung wala ang guidelines mula sa DSWD at DILG.

Dahil dito, dagdag ng solon, mananati­ling nganga sa ayuda ang mga apektado ng ECQ kung patuloy na iipitin pa rin ang paglabas ng naturang guidelines. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.