Una sa Balita

Drugs kasama sa tindang ‘palamig’

By
0 1

Kulong ang isang babae matapos mahulihan ng iligal na droga habang nagtitinda ng ‘samalamig’ sa Pasig City, Sa­bado ng gabi.

Arestado ng pi­nagsanib na puwersa ng Pasig Police at Barangay Kalawaan si Maria­nie Marimar Demano, nasa hustong gulang, vendor at residente ng Sikap Compound, Brgy. Kalawaan, Pasig City.

Sa report, nagsagawa ng drug buy-bust ang mga awtoridad bandang alas-6:45 Sabado ng gabi sa Sikap Compound at nagpanggap na poseur buyer ang isang pulis at nakipagtransaksyon ito sa suspek na nagtitinda ng palamig sa kanto. Aktong ibibigay na ng suspek sa pulis ang droga ay agad na itong di­nampot at na­­kum­piska kay De­mano ang anim na plastic sachet ng shabu.

Nakakulong ngayon ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165.