Una sa Balita

Drug war sa Calabarzon madugo — CHR

By
0 640

PATULOY na umaagos ang dugo ng umano’y mga biktima ng ‘extrajudicial killing’ (EJK) sa Calabarzon (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon) kaugnay sa nagaganap na madugong kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Batay sa report ng Commission on Human Rights (CHR)-Calabarzon ay umabot na sa 368 ang sinasabi nilang biktima ng EJK sa rehiyon simula noong 2016 hanggang January 15, 2019.

Sa record ng CHR-Calabarzon ay 32 lang ang biktima ng EJK noong 2016 at 61 naman noong 2017. Ngunit bigla itong lumobo nitong nakaraang taon at nagtala ng kabuuang 263 drug war victim sa buong rehiyon. Sa unang dala­wang linggo ng 2019 ay 12 na ang napapatay na hinihinalang mga drug pusher, ayon pa rin sa CHR record.

Ngunit kung ibabatay sa pinakahu­ling datos ng Philippine National Police (PNP) sa bilang ng mga drug war victim sa buong bansa, sumasalungat ito sa ulat ng CHR-Calabarzon.

Ayon kay PNP Spokesperson Senior Supt. Bernard Banac, bumaba ang bilang ng mga biktima sa buong kapuluan sa kampanya laban sa droga noong 2017 kumpara sa istatistika noong 2018.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy