Una sa Balita

Drug suspect nakaligtas sa engkuwentro

0 177

Nakaratay sa ospital ang isa sa dalawang nadakip na drug suspect makaraang matamaan ng bala sa binti nang isagawa ang buy-bust operation sa Imus City, Cavite.

Kinilala ang suspek na si Catherine de Guzman, nasa wastong gulang, habang arestado ang utol nito na si Jayson, 25, construction worker kapwa residente ng Tanzang Luma 5, Imus City, Cavite habang pinaghahanap naman ng pulisya ang isa pa nilang kasabwat na si alyas Bulabaog na nakatakas sa operasyon.

Sa ulat ni Corporal Mark Joseph Jader ng Imus City Police Station, dakong alas-5:25 kamakalawa nang hapon nang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa Barangay Tanzang Luma 5, Imus City, Cavite kung saan target ang mga suspek.

Nagkaroon ng transaksiyon sa pagitan ng mga suspek at poseur buyer pero sa kalagitnaan ng bentahan ay nabatid ng mga ito na pulis ang kanilang kaharap dahilan upang pumalag sila at naganap ang palitan ng putok.

Natamaan sa kaliwang kamay ang nagpanggap na buyer habang sa binti naman si Cathe­rine.

Narekober sa kanilang pag-iingat ang 5 sachet ng hinihinalang shabu at buy-bust money. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy