Una sa Balita

Drug suspect galing korte tinumba

0 261

PATAY ang isa umanong drug personality na kagagaling lamang sa court hearing nang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspect sa Sta. Cruz, Laguna, Martes ng hapon.

Dead on the spot ang biktimang si Naldy Baldemora, residente ng Lumban, dahil sa mga tama ng bala iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa report ng Sta. Cruz Police, galing sa Regional Trial Court sa nasabing bayan ang biktima nang ito ay barilin ng mga ­hindi ­nakilalang ­suspek habang ­papasok sa ­Monserrat Subdivision sa Brgy. Sto. ­Angel Sur.
Sinabayan ng mga nakamotorsiklong ­suspek ang tricycle na sinasakyan ng biktima at saka pinagbabaril.

Napag-alaman na ang biktima ay ­kilalang drug personality sa lugar at ilang beses na ring ­nahuli dahil sa ­pagtutulak ng shabu.

Patuloy pa ang ­imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More