Una sa Balita

Drug supplier sa Munti, tumba sa Batangas buy-bust

By
0 509

TUMIMBUWANG ang isa umanong noturyos na tulak ng droga matapos na manlaban sa mga pulis habang hahainan ng search warrant sa Brgy. Sta. Clara, Batangas City kamakalawa nang umaga.

Ayon sa Batangas police, ang nasawing suspek ang siyang nagsusuplay ng iligal na droga sa Brgy. Sta. Clara at sa mga karatig lugar at nanggagaling pa umano ang mga ibenebenta sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Kinilala ang nasawi na si Roldan Luansing y Villanca, na kabilang din sa drug watchlist ng Batangas police.

Bandang alas-sais nang umaga nang sisilbihan sana ito ng search warrant sa kanyang ta­hanan suba­lit papalapit pa lamang ang mga awtoridad ay pinaputukan na ang mga ito ng suspek na nagbunsod upang gumanti ng putok ang mga pulis.

Naisugod pa sa Batangas Medi­cal Center ang suspek subalit ideneklara na itong dead on arrival ng doktor.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy